Police Regional Office 2, Lalong Pinaigting ang Kampanya Kontra Krimen at Iligal na Droga!

Cauayan City, Isabela- Puspusan pa rin ang isinasagawang operasyon ng kapulisan dito sa buong lambak ng Cagayan upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan dito sa ating rehiyon.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Superintendent Chevalier Iringan, ang tagapagsalita ng Police Regional Office 2, aniya tuloy pa rin ang kanilang isinasagawang kampanya kontra iligal na droga at Oplan Tambay bilang pagsunod sa ipinapatupad ng ating pangulo upang mabigyan ng seguridad ang mga mamamayan.

Pinuri rin ni Police Superintendent Iringan ang Santiago City Police Station 1 at buong hanay ng kapulisan sa Lungsod ng Santiago dahil sa kanilang natanggap na parangal mula sa Kampo Krame bilang Best Police Station Drug Enforcement Unit sa pamumuno ni Police Chief Inspector Rolando Gatan dahil sa kanilang mga accomplishments pagdating sa iligal na droga.


Gayunpaman ay hiniling parin ni PSupt. Iringan ang suporta ng taumbayan na makipagtulungan sa kapulisan sa pagsugpo ng krimen dito sa ating rehiyon.

Samantala, nakatakdang mailibing ngayong araw ang labi ng napaslang na hepe ng PNP Mallig na si Police Chief Inspector Michael Angelo Tubaña.

Facebook Comments