Police Regional Office 2, Nagbigay Paalala at Babala!

Camp Marcelo A. Addurru Tuguegarao City – Muling nagbigay ng paalala at babala sa publiko ang pamunuan Regional Office 2 kaugnay sa Semana Santa at SUMVAC 2018.

Batay sa ibinahaging impormasyon ni Police Superintendent Chevalier R. Iringan, Chief Regional Public Information Office, na ayon din sa naging advisory ni PRO2 Regional Director, Police Chief Superintendent Jose Mario Espino, kailangan umano na maging handa at may kaalaman ang lahat sa mga di inaasahang pangyayari.

Kinakailangan din na maging bigilante ang lahat para maging ligtas sa panahon ng semana santa at sa loob ng summer vacation.


Pangunahing binigyaan diin ni Regional Director Espino ang mga dapat gawin kung lalabas sa mga tahanan kung saan dapat na lagyan ng matibay at dobleng lock ang mga pintuan at bintana, ibilin sa mapagkakatiwalaang kapit-bahay kapag aalis, wag tumanggap o ihinto ang anumang deliveries, ipahina ang tunog ng door bell, iwanang nasa normal na ayos ang mga kurtina ng bahay, buksan ang ilaw sa labas ng bahay at siguraduhing may listahan para sa mga importanteng numero tulad ng credit card at ilagay sa ligtas na lugar.

Kabilang ang mga paalala sa mga may sasakyan na siguraduhing nakakondisyong mabuti bago lumuwas, laging nakasarado o naka-lock habang nasa biyahe maging kung nakaparke ang pinto ng sasakyan, magparke sa ligtas na lugar, magdala ng sapat na kailangan sa biyahe lalo na ang tubig at flashlights na may bagong baterya, siguraduhing alam ang direksyon ng pupuntahan ngunit kung sakaling mawala o hindi alam ang daan ay ang pinakamalapit na police station ang puntahan o pagtanungan.

Kinakailangan din umano na maagang bumiyahe at wag mag-over speed sa pagmamaneho, alamin ang lagay ng panahon, siguraduhing nakaseat belt ang lahat ng sakay, iwasang uminom ng anumang gamot na maaring sanhi ng pagka-idlip habang nagmamaneho, gumamit ng map road para masigurado ang pupuntahan at magdala lamang ng sapat na salapi o pera sa mga pupuntahan.

Para nman umano sa mga gagamit ng hotel o motel sa pagbakasyon, alamin ang security measures, laging hawakan ang pitaka, susi ng sasakyan at iba pang importanteng bagay, panatilihing nakasarado ang mga pinto at bintana, ipaalam agad ang di normal sa paligid, huwag magpapasok ng hindi kilala sa inupahang silid, alamin kung saan ang fire exit,elevators at pinakamalapit na telepono, at sigurhing alam ng mga anak ang pangalan ng lugar

Samantala nakatalaga at nakaalerto na ang kapulisan simula pa noong Marso bente tres hanggang Hunyo trese para masigurado ang kaligtasan ng lahat para sa Semana Santa at Summer Vacation.

Facebook Comments