Inihayag ng lungsod ng Dagupan na nasa 388 drug reformist ang nagtapos sa kanilang Sagip- User Rehabilitation (SURE) Program.
Sa unang batch ng SURE mayroong 101 at sa pangalawa naman ay mayroong 240 na sumatotal ay nasa 729 mula noong taong 2016.
Ang mga drug reformist na ito ay sumailalim sa apat na session upang makumpleto ang nasabing programa. Katuwang ang City Health Office na nagbibigay ng lecture sa pag gamit ng ipinagbabawal na gamot at ang masamang epekto nito. Kasama rin sa SURE program ang PNP Dagupan na nagbibigay ng motivational lectures at hikayatin na huwag ng gumamit ng ipinagbabawal na gamot.
Ang SURE program ay inilunsad ng lokal na pamahaalaaan ng Dagupaan upang matulungang magbago ang mga ito. Ang 388 na drug reformist ay babantayan pa rin ng PNP Dagupan at kailangang magreport sa skanilang barangay tuwing buwan upang matanggal ang kanilang pangalan sa mga drug watchlist.
Sa ngayon layon ng lungsod na maideklara ang Dagupan na drug-free ng PDEA sa national level.