Lola sa Ilagan City, Isabela, Pinagbabaril-Patay!

*Ilagan City, Isabela- *Patay ang isang lola matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilang suspek bandang 6:45 kaninang umaga sa Brgy. Calamagui 2nd, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Zenaida Duco Cristino, 61 anyos at residente rin ng nasabing barangay.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, nagbibilang umano ng pera sa loob ng kanyang sari-sari store ang biktima nang bigla umanong may lumapit at pinagbabaril ang biktima na sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.


Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang hindi pa matukoy na uri ng bala ng baril at patuloy pa sa ngayon ang isinasagawang pagsisiyasat ng PNP Ilagan hinggil sa motibo ng pamamaril habang tinutugis na rin ng kapulisan ang posibleng suspek.

Facebook Comments