Matunog na pinag-uusapan ngayon ang di umanoy kidnapping incidents sa iba’t ibang parte ng bansa na ang mga biktima ay pawang mga menor de edad na bata.
Wala pang naitatalang kidnapping incident sa lungsod ngunit sa kabila nito siniguro ng pamunuan ng PNP Dagupan na hindi nila isinasawalang bahala ito at pinaiigting ang pagbabantay dito.
Ayon sa PNP Dagupan ang kadalasang target ng kidnapper ay ang mga kabataan. “Kabataang babae madalas ang target kaya paraw maiwasan ang kidnapping mag-ingat lalo na kapagmag-isang naglalakad sa madilim na lugar at maging alerto,” aniya ni Police Chief Inspector Marcos Anod.
Dagdag pang paalala ng PNP Dagupan na wag mag-atubiling ireport sa kanila ang mga kahinahinalang sasakyan na umaaligid sa kanilanilang lugar. Mainam din na gawing aktibo ang mga cctv sa bahay at mga pampublikong establisyemento.
Ulat nila Jessica Paragas at Janzel Omagtang