POLICE SCALAWAGS | PNP CITF, muling nanawagan sa publiko na isuplong ang mga tiwaling pulis

Manila Philippines – Nanawagan muli sa publiko ang Philippine National Police-Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) na isumbong sa kanilang hotline ang mga reklamo laban sa mga tiwaling pulis.

Kasunod ito ng pagkakahuli sa mismong Chief of Police ng Sasmuan, Pampanga na si Chief Inspector Romeo Bulanadi dahil sa pangongotong kamakalawa.

Ayon kay CITF Chief Ssupt. Chiquito Malayo, maaring isumbong ang mga tiwaling pulis sa mga numerong ‎0995-795-2569, ‎0998-970-2286.


Sinabi ni Malayo, si Bulanadi ang pinakamataas na opisyal na nahuli nila dahil sa pangongotong.

Nasampahan ng kasong Robbery-Extortion at Grave Coercion si Bulanadi dahil umano sa kanyang pangingikil ng 30,000 piso mula sa isang perya operator at pagbabanta na iho-hold ang mga kagamitan nito kung hindi magbayad.
Inihayag naman ni Malayo na tukoy na nila ang iba pang kasabwat na pulis ni Bulanadi sa extortion raket, na pinaghahanap na ngayon ng CITF.

Facebook Comments