Police security detail ni Diana Uy na si PO3 Walter Vidad, ni-recall na sa kanyang pwesto

Manila, Philippines -Ni-recall na sa kanyang posisyon bilang police security detail si PO3 Walter Vidad na nakatalaga kay Diana Uy ang negosyanteng nakuhaan 17 million halaga ng illegal drugs at cash sa kanyang condo sa lungsod ng Maynila kahapon.

Ayon kay Police Security Protection Group head, Chief Supt. Joel Crisostomo De leon Garcia habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ay mananatili muna sa kanilang tanggapan si Vidad.

Ito ay upang madaling maka-report kung kinakailangan sa ginagawang imbestigasyon.


Ilan aniya sa aalamin sa imbestigasyon kung sangkot si Vidad sa illegal drugs transactions ni Daina Uy, aalamin din ang lifestyle ni Vidad.

Batay sa rekord ng PNP-PSPG, taong 2015 pa nakatalaga si Vidad kay Diana Uy bilang Police Security nahinto ng 2016 dahil sa ginanap ng national election pero naibalik muli kay Uy pagkatapos ng eleksyon.

Facebook Comments