Pulis na bumaril sa matandang babae sa Fairview sa Quezon City, sinampahan na ng kaso

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar ang pagtutok sa kaso laban sa isang police sergeant na nasa likod ng pagpatay sa isang matandang babae sa Fairview Quezon City.

Ayon kay Eleazar, sinampahan na ng kasong murder gayundin ang kasong administratibo at dismissal proceedings si Police Master Sargeant Hensie Zinampan.

Habang inatasan na rin ni Eleazar si Quezon City Police District (QCPD) Director Brigadier Gen. Antonio Yarra at Internal Affairs Service Inspector General Alfegar Triambulo na madaliin na ang kaso ni Zinampan na naka-assign sa Police Security Protection Group.


Matatandaang alas-9 ng gabi nang sundan ni Zinampan ang biktima na kinilalang si Lilybeth Valdez, 52 anyos at residente sa Greater Fairview sa nabanggit na lungsod.

Bumibili lang ng sigarilyo sa kalapit na tindahan si Valdez nang barilin siya ni Zimpanan na noon ay hindi naka-duty at nasa ilalim ng impluwensya ng alak.

Nakuhanan ng video ang insidente at nag-viral pa ito sa social media.

Facebook Comments