Sa kabila ng mainit na usapin ngayon ukol sa hanay ng mga kapulisan ay iligal na droga sa bansa, binigyang pagkilala ng Police Station ng bayan ng Sison bilang Drug-Free Workplace sa pakikipag ugnayan ng kanilang lokal na pamahalaan at ng kanilang alkalde.
Ang pagbigay ng pagkilalang ito sa naturang police station ay kasabay sa isinagawang orientation seminar na programa ng PDEA, DILG, at Provincial Government ng Pangasinan na napapatungkol sa Drug-Free Workplace.
Patuloy naman na hinihimok ng lokal na pamahalaan ng Sison ang kanilang mga kapulisan na patuloy na magbigay ng serbisyo publiko at pagbibigay kasiguraduhan na walang sino man na pulis ang masangkot sa iligal na droga o kahit ano pa mang ipinagbabawal na uri ng gawain. |ifmnews
Facebook Comments