IFM DAGUPAN MULING NAGSAGAWA NG LIBRENG SAKAY BANKA EDITION SA MGA RESIDENTE NG BRGY. SALAPINGAO SA LUNGSOD NG DAGUPAN

Sa pagpapatuloy ng libreng sakay banka edition, muling naghatid sa pangalawang pagkakataon ang IFM Dagupan ng libreng sakay sa Brgy. Salapingao, kahapon ika- 24 ng Abril 2023.
Matatandaan noong nakaraang Lunes ay nagpalibreng sakay ang IFM Dagupan sa Brgy. Calmay at Carael, bilang tulong na rin sa mga estudyante at nagtatrabaho sa City Proper upang makabawas sa iniindang gastusin sa araw araw.
Asahan muli sa darating na Lunes, sa Barangay Pugaro naman ang mahahandugan ng libreng sakay Banka Edition para sa mga Idol nating mula sa Brgy. Island. |ifmnews

Facebook Comments