Manila, Philippines – Kinasuhan na ng Department of Justice sa Pampanga Regional Trial Court si Police Supt. Rafael Dumlao kaugnay sa pagdukot at pagpatay sa Kroean national na si Jee Ick Joo.
Bukod kay Dumlao, na umano’y mastermind sa kidnap-slay, isinama rin sa kasong kidnapping with homicide ang dating errand boy ng National Bureau of Investigation na si Jerry Omlang, sina SPO3 Ricky Sta. Isabel at SPO4 Roy Villegas.
Nahaharap din sa kaso bilang accessory to the crime si Gerardo Gregorio Santiago, ang may-ari ng Gream Funeral Parlor na pinagdalahan sa labi ng Koreano.
Hindi naman kasama sa kinasuhan si Ramon Yalung.
Maliban rito, nahaharap rin sa iba pang kaso ng kidnapping and serious illegal detention sina Dumlao, Sta. Isabel, Omlang, Villegas at iba pang indibidwal kaugnay sa pagdukot sa kasambahay ng Koreano na si Marisa Morquicho.
Nahaharap din sa kasong carnapping sina Sta. Isabel, Dumlao, Omlang at Villegas matapos tangayin ang itim na ford explorer ng pinatay na Korean national.
Nation