Police units sa buong bansa, 100 porsyento nang handa sa national vaccination rollout

Siniguro ng Philippine National Police na handa na sila para sa COVID-19 vaccine rollout sa buong bansa.

Ito ay dahil sa nakatakdang pagsisimula ng pagbabakuna sa mga A4 o ang essential workers, frontliners sa national government offices at uniformed personnel at A5 o ang mga indigent sector.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar, inatasan niya na ang lahat ng police units na makipag-ugnayan sa mga Local Government Unit (LGU) para sa vaccine rollout.


Aniya, may 35,415 na pulis ang tutulong sa paghahatid ng mga bakuna at mayroon pang 13,840 na pulis ang magpapatupad ng minimum public health safety protocols sa mga vaccination site sa buong bansa.

Bukod dito, tutulong din ang medical reserve force ng PNP para sa deployment sakaling kailanganin para magbakuna.

Tiniyak din ni PNP Chief na handa na rin ang lahat ng PNP assets, kabilang dito ang fast boats at helicopters, para sa pagdadala ng bakuna kahit sa pinakamalalayong lugar.

Sa mga pulis naman na ipapakalat, bibigyan ang mga ito ng protective gear, vitamins at supplements upang dagdag proteksyon laban sa COVID-19.

Facebook Comments