Police Vehicle pinasabugan sa Shariff Aguak, 2 patay, 4 wounded

67

Kabilang sa sakay ng Police Vehicle na nasabugan ng IED sa Shariff Aguak Area kagabi ay ang mismong hepe ng Provincial Drug Enforcement Unit Major Erwin Tabora.

Bagama nakaligtas sa Roadside Bombing si Major Tabora, patay ang dalawang kasamahan nito, at sugatan ang apat na iba pa.


Kinilala ang sanawing pulis na si PMSgt ANTONIO BALASA at ang sibilyan na nakinilalang si Bobby habang wounded naman sina Psgt Larry Amoran, , PSSgt Guerero Domingo, PCPL Guai Mangrag at PCPL Clyde Peria.

Inaalam pa kung sino ang responsable sa nasabing insidente.
Nangyari ang insidente sa Poblacion Shariff Aguak pasado alas otso kagabi.

Matatandaang walang humpay ang naging operasyon ng PDEU Maguindanao sa pangunguna ni Major Tabora na naitala sa Shariff Aguak noong nakalipas na buwan resulta ng pagkakasawi ng limang di umanoy mga drug personality at mga myembro ng BIFF.

Samantala nag- offer naman ng 100 Thousand pesos ang LGU Shariff Aguak para sa makapagtuturo ng na salikod ng insidente.
PNP PIC
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments