Guwardiya, nanaksak nang sitahin sa umano’y pamboboso

254

Himas-rehas ang isang sekyu matapos sasaksin ang babaeng supervisor na sumita sa kanyang pamboboso, Huwebes sa Valenzuela City.

Kinilala ang suspek na si Jesie Lahoylahoy, 25, residente ng Barangay Gen. T De Leon, habang nagpapagaling naman ang nasaksak na si Nora Paredes, 36, ng Barangay Paso De Blas.


Ayon sa pulisya, kinompronta ng supervisor si Lahoyhoy tungkol sa ugali nitong bosohan ang mga babaeng empleyado ng pinagtatrabahuan nilang Bottal General Merchandising.

Dulot marahil ng kahihiyan, kumuha ang suspek ng gunting at tinarakan ang biktima sa likod at dibdib.

Mabilis namang isinugod si Paredes sa Metro North Medical Center and Hospital kung saan siya nananatiling nakaratay.

Sinampahan na ng kasong frustrated homicide si Lahoylahoy.

Facebook Comments