Police Visibility ngayong Kapaskuhan, Pinaigting ng PRO2!

*Tuguegarao City- *Nagbaba na ng kautusan si PNP Regional Director P/CSupt. Jose Mariano Espino sa lahat ng mga Provincial Directors, City Directors at Chief of Police na paigtingin ang police visibility sa mga nasasakupang lugar para sa seguridad ng mamamayan lalo na sa nalalapit na simbang gabi ngayong kapaskuhan.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni PSupt. Chevalier Iringan, ang tagapagsalita ng Police Regional Office 2 kung saan pinapaalalahanan ang lahat na umiwas sa paggamit ng mga iligal na paputok at pagpapaputok ng baril upang makaiwas sa anumang disgrasya o hindi magandang dulot ng mga firecrackers.

Gumamit na lamang anya ng mga alternatibong pampaingay para sa pagdiriwang ng pasko at pagsalubong sa bagong taon upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lugar.


Layunin din anya ng pagpapaigting ng seguridad sa bawat nasasakupang lugar na makamit ang zero casualty.

Dagdag pa ni Iringan na katuwang din ng PNP sa pagpapa-alala sa publiko at pag-iinspeksyon sa mga nagtitinda ng paputok ang mga LGU’s at BFP ng bawat lugar.

Facebook Comments