Police visibility, paiigtingin pa rin ng PNP sa harap ng pagluwag na ng community quarantine restrictions

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Camilo Cascolan at ng Joint Task Force (JTF) COVID-19 Shield ang mga police commander na magpatupad pa rin ng maigting na police visibility at magsagawa ng mga estratehiya sa deployment ng mga tauhan.

Ito ay sa harap na rin ng pagluwag na ng community quarantine restrictions sa bansa kahit nananatili ang COVID-19 pandemic.

Ayon kay JTF COVID Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, isang malaking hamon sa kanila ngayon ang pagpapatupad ng community quarantine rules lalo’t mas marami na ang pinapayagang lumabas ng bahay.


Pero, titiyakin nila na bilang parte ng kanilang mandato na maipapatupad pa rin nang mahigpit ang mga health safety protocols.

Suhestyon ni Eleazar sa mga police commander na ang regular na presenya ng mga pulis at mobile patrol cars sa mga business districts at iba pang matataong lugar ay mapapaalala sa publiko na kailangan nilang sumunod sa minimum health safety standard protocols dahil nakabantay ang mga pulis at kapag sila ay nahuli ay mahaharap sa parusa.

Kaugnay nito, hiniling rin ng PNP sa mga Local Government Unit (LGUs) na tulungan pa rin silang magpatupad ng health safety protocols kasama ang mga force multipliers.

Facebook Comments