Nagpaalala ang Public Attorney’s Office (PAO) na ipinagbabawal ang ‘no return, no exchange policy’.
Kasabay ito ng pagdagsa ng mga publiko sa mga panmilihan para bumili ng mga pangregalo.
Ayon kay PAO Chief Persida Acosta, ang ganitong polisiya ay nakabase sa Republic Act No. 7394 o ang Consumer Act of the Philippines.
Giit nito, sakaling may sira o depektibo ang nabili produkto, may karapatan ang bawat isa na ipapalit ito o di kaya’y ipa-refund ang binayad na pera.
Facebook Comments