POLITICAL CEASEFIRE | Payo ni dating Sec. Roxas, tinabla ng Malacañang

Manila, Philippines – Pinayuhan na lang din ng Palasyo ng MalacaƱang si dating Interior Secretary Mar Roxas matapos itong magbigay ng payo sa administrasyon patungkol sa inflation at supply ng bigas sa bansa.

Batay sa Facebook account ni Roxas ay nag-post ito ng payo na idinirekta nito kay Pangulong Rodrigo Duterte kung saan sinabi nito na dapat ay magkaroon ng political ceasefire at tutukan nalang ng administrasyon ang mataas na inflation, mataas na presyo ng bigas at silipin ang TRAIN Law.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, dahil sa karanasan ni Roxas sa Leyte noong manalasa ang bagyong Yolanda ay mas magandang manahimik na lang ito.


Paliwanag ni Roque, hindi na kailangan ng dagdag na ingay ngayon at mas magandang hayaan nalang na umusad ang mga proseso upang maibigay ng mas mabilis ang pangangailangan ng mga mahihirap nating kababayan.

Facebook Comments