Hindi masama at mananatili ang political dynasty sa bansa maliban na lamang kung baguhin ang konstitusyon at kultura.
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa Surigao del Norte kung saan pinangunahan ito ang pagbubukas ng Siargao Island Sports and Tourism at ang Catangan-Cabitoonan Bridge.
Kaugnay ito sa pagbanggit nito sa kilalang apelyido ng mga politiko sa Surigao del Norte na Matugas.
Inihayag din ni Duterte na hindi maisusulong ang probisyon sa political dynasty kahit anong pilit itong baguhin.
Mababago lang ito kung iibahin ang konstitusyon at ang kultura pero kung walang gagawin ay magkakaroon pa rin ng political dynasty.
Hindi maikakaila na kabilang din si Duterte sa tinatawag na political dynasty kung saan may kanya-kanyang posisyon sa gobyerno ang tatlo nitong anak.