Abot sa bilang na 235 unsettled “rido” o magkalabang mga pamilya ang naitala sa ARMM nitong 2017 kung saan 91 sa Maguindanao, 88 sa Lanao Del Sur, 38 sa Basilan, 15 sa Sulu at 3 sa Tawi-Tawi.
Ayon kay Regional Reconciliation and Unification Commission (RRUC) Executive Director Abdulbasit Benito “political rivalries” at “land disputes” ang nangungunang ugat-dahilan ng mga ito.
Ang political at business rivalries, land disputes at illegal drugs-related conflicts ay maari umanong maresolba sa pamamagitan ng internal power sharing arrangements at paglagda sa covenant.
Ang involvement ng mga pinagkakatiwalaang lider na nangangasiwa sa dispute settlement ay bahagi din ng conflict resolution strategy sa rehiyon kung saan tumutuklas din ng mga alternatibong approach ang key leaders.
Sinabi naman ni RRUC chairman Datu Romeo Sema na ang naturang issues ay naiprisenta sa joint planning workshop na ginanap kamakailan sa Davao City.
Layon ng workshop na palakasin ang mga approach sa ‘rido’ settlement sa ARMM. (DAISY MANGOD-REMOGAT)
Political rivalries at land disputes, pangunahing dahilan ng ‘rido’ sa ARMM!
Facebook Comments