Political strategist ni US Pres. Trump na si Roger Stone, inaresto

Florida – Arestado ng FBI ang political strategist ni US President Donald Trump na si Roger Stone.

Nahaharap si Stone na kilalang kaalyado ni Trump sa pitong kaso sa isinasawang imbestigasyon ng special prosecutor na si Robert Mueller.
Kabilangan dito ang “one count of obstruction of an official proceeding”, “five counts of false statements” at “one-count of witness-tampering”.

Sinasabing nag-ugat ang kaso sa ginawang pag-hack ng Russia sa mga emails ng Democratic Party officials na inilabas ng Wikileaks noong 2016 kung saan ang mga impormasyon ay nagamit noong 2016 US presidential election campaign.


Facebook Comments