RMN DXCC at iFM 99.1, namamayagpag pa rin ang ratings sa CDO

Muling kinilala ang DXCC 828 bilang numero unong AM radio station sa buong Cagayan de Oro.

Sa AM survey result ng Kantar Media na isinagawa noong December 2018, number 1 ang DXCC-828 RMN Cagayan de Oro kung saan mayroon itong 18.75% na market share at 47.06% na share sa lahat ng AM radio stations.

Nahigitan nito ang Bombo Radyo na may 16.93% na market share at AM radio stations share na 42.50%.


Habang ang DXVM-99.1 i-FM Cagayan de Oro ay nasa ikatlong pwesto pagdating sa FM survey result na may 8.545 market share at 14.20% na share sa lahat ng FM radio stations.

Lubos naman ang pasasalamat nina Radyoman Rey Maraunay, station manager ng DXCC at Radyoman Gunther TJ Solon, station manager naman ng i-FM CDO sa lahat ng listeners at radyoman sa buong Cagayan de Oro.

Ang Cagayan de Oro ang siyang hometown ng RMN kaya at congratulations muli mga Radyoman!

Facebook Comments