Political will ni Duterte, malaki ang naitulong para sa pagkamit ng katarungan ng mga biktima ng Maguindanao massacre ayon sa Presidential Task Force on Media Security

Hindi maitatangging malaki ang naiambag ng political will ni Pangulong Rodrigo Duterte para makuha ng mga biktima ng Maguindanao massacre ang inaasam-asam na hustisya ng mga naulilang pamilya nito.

Ayon kay Presidential Task Force on Media Security Executive Director Undersecretary Joel Egco, kumilos din si Pangulong Rodrigo Duterte upang sa abot ng makakaya nito ay mapabilis na maipagkaloob ang katarungan sa mga biktima ng karumaldumal na krimen.

Sinabi ni Egco na hindi bumitiw ang Pangulo mula sa umpisa ng kanyang pag-upo sa Malakañang upang siguraduhin sa mga naiwang pamilya na kanyang gagawin ang lahat para sila’y matulungan.


Nagbigay aniya ang Punong Ehekutibo ng direktiba noon sa DOJ at kay dating Presidential Spokesman Harry Roque na magdoble kayod para mapabilis ang pagkakamit ng hustisya sa mga naagrabyadong pamilya.

Isa ayon kay Egco ang political will ni Pangulong Duterte para makamit ng mga biktima ng karumaldumal na Maguindanao Massacre ang matagal nang hinihintay na hustisya.

Facebook Comments