Polling Center Sa California – Ni-Lockdown Matapos Ang Pamamaril Ng Isang Lalaki, Isa Katao – Patay

1

CALIFORNIA, USA – Nagpatupad ng lockdown sa polling center sa Azusa, California sa Amerika.Ito ay matapos na may maganap na pamamaril na ikinasawi ng isang katao at ikinasugat ng dalawang iba pa.Sinabi ni Azusa Police Officer Jerry Willison, isa sa mga testigong botante ang nagsabi na nakarinig siya ng magkakasunod na putok at ang mga tao ay bigla na lang nagsigawan at nagtakbuhan.Ilan sa mga botante ang nagsabi na nakita nila ang isang hindi kilalang lalaking nakasuot ng bulletproof vest at puting t-shirt.Isinara muna ang voting center at binibigyang seguridad ang mga botanteng nasa loob.Hindi muna umano sila hinahayaang lumabas sa voting center habang may mga otoridad nang nagsasagawa ng imbestigasyon at pag-galugad sa paligid.

Facebook Comments