Taunang Phl-Us Balikatan Exercises, Binigyan Na Ng Go Signal Ni Pangulong Duterte

7

MANILA – Binigyan na ng “go signal” ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Dept. of National Defense at Armed Forces of the Philippines para ipagpatuloy ang taunang Phl-Us joint military exercises.Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, bagama’t aprubado na ng Pangulong Duterte ang balikatan, binawasan naman nito ang bilang ng mga war games na gagawin.Paliwanag pa ni Lorenzana, magpapatuloy din ang Enhance Defense Cooperation Agreement o EDCA sa pagitan ng dalawang bansa.Una nang inihayag ni Duterte sa state visit nito Sa Hanoi, Vietnam noong Setyembre na last na ang ginanap na Philippines-US Amphibious Landing Exercise (PHIBLEX) nitong Oktubre at puputulin na nito ang ugnayan ng bansa sa Amerika.

Facebook Comments