Polling centers sa Davao City, inihanda na

Binuksan at inihanda na ang polling precinct sa Daniel R. Aguinaldo National High School sa Davao City kung saan boboto si Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio.

Sa panayam ng RMN Davao sa assigned poll worker, off-limits na simula ngayon sa media ang nasabing area dahil sa seguridad sa oras na boboto na ang pangulo.

Hinay-hinay na ring binuksan ang iba pang polling centers sa Davao City pero mamayang ala-sais ng umaga pa pwedeng bumoto ang mga botante.


Sa datos ng COMELEC-Region 11, nasa 3.2 million na registered voters ang Davao Region kung saan mahigit 900,000 nito ay mula sa Davao City na aasahang boboto ngayong araw.

Samantala, nakaranas ng malakas na pag-ulan simula kagabi ang Davao Region. As of 4AM, wala pa namang naiulat na pagbaha o landslide pero inabisuhan ng otoridad ang mga botante at mga residente na maging alerto kung saan ang nasabing pag-ulan ay epekto ng Easterlies, ayon sa PAGASA.

Facebook Comments