POLO- Hong Kong, nagpasaklolo na sa mga otoridad doon kaugnay ng missing na Pinay

Tumutulong na ang Hong Kong Police sa paghahanap sa nawawalang Pilipina sa Central Hong Kong.

Kasunod ito ng pagdulog ng POLO-OWWA Hong Kong at pagreport sa mga otoridad ng kanyang employer.

Ang 38-anyos na Pinay na si Gemma Baflor Hinaloc ay noon pang Disyembre 19 umalis sa kanyang tinitirahan sa Hong Kong.


Siya ay huling nakitang nakasuot ng itim na jacket, grey trousers, itim na sandals, itim na sombrero, at may dalang puti na rucksack.

Sinubukan na rin ni Overseas Workers Welfare Administration Officer Versie Burgos-Tamayao na tawagan ang telepono nito subalit ito ay cannot be reached.

Facebook Comments