TINUPOK | Restaurant sa isang mall sa Pasay, nasunog

265

Pasay City – Nasunog ang isang buffet restaurant sa SM Mall of Asia sa Pasay City.

Umabot lang sa unang alarma ang sunog sa Buffet 101 na nagsimula pasado alas 11:00 kaninang umaga.

Kinailangan pang basagin ng mga bumbero ang salaming bintana ng restaurant para makalabas ang usok at mapabilis ang pag-apula sa apoy.

Wala namang nasaktan sa sunog.

Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi nito.

Facebook Comments