PONDO | Budget cut sa ilang critical agencies at ‘cash-based’ spending scheme, planong pag-usapan ng mga kongresista at budget dept.

Manila, Philippines – Planong makipagpulong ng mga kongresista kay Budget Secretary Benjamin Diokno sa susunod na linggo para talakayin ang pagtatapyas ng budget sa ilang mahahalagang ahensya at ang bagong ‘cash-based’ spending scheme para sa taong 2019.

Ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya Jr., ang pagpapalit ng sistema ng paggastos mula ‘obligation-based’ sa ‘cash-based’ budget ay nagdudulot ng kalituhan sa ilan sa kanyang kapwa mambabatas.

Dagdag pa ni Andaya, tila ang mga multi-year projects na nangangailangan ng multi-year funding ay posibleng maapektuhan ng bagong spending scheme.


Ilan aniya sa kanyang mga kasamahan ay nagpapanukalang ibalik ang budget sa Malacañang pero hindi nila gagawin ito.

Umaasa si Andaya na ang kalituhan sa bagong budgeting scheme ay hindi makakaapekto sa timetable ng kamar para sa pag-aapruba ng ₱3.757 trillion para sa 2019.

Facebook Comments