SINUPALPAL | Asec. Uson at Andrew Bolivar, hindi nakakatulong kay PRRD – VP Robredo

310

Manila, Philippines – Sinupalpal ni Vice President Leni Robredo ang ‘i-pederalismo’ video ni Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson at blogger na si Andrew Olivar.

Ayon kay Robredo, sina Uson at Olivar ay hindi nakakatulong kay Pangulong Duterte.


Kahit aniya intensyon nilang makatulong, sinabi ni pangalawang pangulo na hindi nakakatulong ang dalawa sa pagsusulong ng pederalismo.

Ani Robredo, binibigyan nila ng masamang impression ang Pangulo.

Iginiit pa ng bise presidente na dapat sina Uson at Olivar ay nagdadala ng kagandahang-loob dahil masugid silang tagasuporta ng Pangulo.

Samantala, handa ring magsampa ng kasong kriminal si Robredo laban kay Olivar dahil sa kanyang video na minumura siya at pinagsabihan ng ilang akusasyon.

Facebook Comments

From Advertisers