PONDO | Budget ng OVP, sandali lang na naisalang sa plenaryo

Manila, Philippines – Mabilis na naaprubahan sa plenaryo ang budget ng Office of the Vice President (OVP).

Wala pang limang minuto ay tinapos na ang pagtalakay sa P455 million na 2019 budget ng OVP.

Tanging si House Minority Leader Danilo Suarez lamang ang nag-interpolate sa panukalang budget ng Pangalawang Pangulo.


Hiniling ni Suarez sa mayorya ng mga kongresista na irekonsidera ang ginawang pagkaltas sa taunang pondo ng OVP dahil makakaapekto ito sa social services ng tanggapan.

Mas mababa ng P95 Million ang budget ng OVP sa susunod na taon.

Present sa budget deliberation si VP Leni Robredo na masayang nilapitan at binati ng mga dating kasamahan.

Facebook Comments