Pondo na ginastos sa press freedom caravan, pinatitiyak na hindi masasayang

Manila, Philippines – Nais makatiyak ng Kamara na hindi masasayang ang pondo ng bayan sa press freedom caravan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Ayon kay Cibac Partylist Representative Sherwin Tugna, dapat masiguro ni PCOO Secretary Martin Andanar na napag-aralang mabuti ang press freedom caravan na layong maipaliwanag sa European Media na walang pagpigil sa kalayaan ng pamamahayag sa bansa.

Ang hakbang ng PCOO ay kasunod ng alegasyon ng ilan na under attack ang press freedom sa bansa dahil sa pag-aresto kay Rappler Chief Maria Ressa.


Matatandaang umani din ng batikos ang delegasyon ng ilang opisyal ng gobyerno na nagtungo sa Belgium para ipaliwanag ang isyu ng involuntary disappearances, anti-communist terrorist groups at iba pa.

Dapat na maipaliwanag sa publiko ang nasabing caravan upang maalis ang duda na pagsasayang sa pondo ng taumbayan ang caravan.

Facebook Comments