Pondo na nasa ilalim ng 2022 national budget, halos naibaba na lahat ng DBM sa mga ahensya ng pamahalaan

Nasa 90% na ng 2022 national budget ang naibaba ng Department of Budget and Management (DBM) sa mga departmento at ahensya ng pamahalaan.

Ito ay ayon kay DBM Usec. Tina Rose Canda, katumbas ng P4.3 trillion mula sa P5. 024-na budget ng bansa ngayong taon.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Canda na ang hawak na lamang ng DBM ay ang mga special purpose fund, tulad ng calamity fund.


Saka-sakaling mayroong mga bagong programa ang susunod na administrasyon na nais nilang isulong, maaari namang gumawa ng batas ang Kongreso.

Sa ganitong paraan aniya, mapaglalaanan ng pondo ang mga bagong programa ng susunod na adinistrasyon na hindi kabilang sa orihinal na budget ng bansa ngayong 2022.

Facebook Comments