Manila, Philippines – Hindi na aabot pa sa mga huling buwan ng taong 2017 ang pondong inilaan para sa Armed Forces of the Philippines.
Ito ang kinumpirma mismo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana dahil na rin sa nagpapatuloy na gastos nila sa giyera sa Marawi City.
Sa ngayon ayon kay Lorenzana umaabot na sa 3.5 bilyong piso ang nagagastos ng AFP sa lungsod.
Ito aniya ang pinambili ng mga bala, bomba, fuel pagkain at gamot ng tropang patuloy na nakikipagsagupa sa teroristang Maute.
Ang bilyong halagang ito ay kinuha nila sa pondong inilaan sana ng AFP sa pagbibili ng ilan pang kagamitang pandigma.
Dahil dito humihiling na si Sec. Lorenzana sa Malacañang ng palit sa pondo na kanilang ginastos sa gyera sa Marawi upang hindi sila kapusin.
Tumugon naman daw agad sa kanilang kahilingan ang Malacañang sinabi ni Lorenzana na naghahanap na ng paraan ang Malacañang kung saan kukunin ang kanilang dagdag pondo.