Nilinaw ni Senate President Vicente Sotto III na walang balak ang Senado na tapyasan ang pondo ng anumang ahensya para sa taong 2022 nang dahil sa hindi pakikiisa sa imbestigayon ng Senate Blue Ribbon Committee.
Kaugnay ito sa maanomalyang pagbili ng gobyerno ng COVID-19 supplies mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation at tugon na rin sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na iipitin ang panukalang 2022 national budget.
Ayon kay Sotto, taliwas sa sinabi ni Pangulong Duterte ay hindi tatapyasan ng Senado ang budget ng Office of the President kung hindi dumalo sa budget deliberations ang pinuno nito.
Batid naman ito ng miyembro ng gabinete na dumadalo sa budget hearing ng Senado.
Sa ngayon, paliwanag pa ni Sotto na nabibigyan ng pangulo ng maling impresyon ang publiko na hindi naman malaman kung sino.
Nagkakaroon din aniya ng mga tsismis dahil walang regular na pulong ang Legislative Executive Development Advisory Council (LEDA).