Pondo ng DOH, dapat madagdagan para sa Drug Rehabilitation Efforts, ayon kay VP Leni

Nais ni Vice President Leni Robredo ng dagdag na pondo para sa Rehabilitation Facilties.

Ayon kay Robredo, hiniling niya sa Department of Health (DOH) na magkaroon ng hiwalay na pasilidad para sa mga Drug User mula sa mga Drug Pushers.

Aniya, magiging walang saysay ang Rehabilitation Efforts kung magkasama sa iisang pasilidad ang mga User at Pusher


Iginiit din ni Robredo na dapat malaki ang budget at Human Resources ng DOH upang magampanan nila ito.

Sa kabila nito, pinuri pa rin ni Robredo ang Rehabilitation Program ng DOH para sa mga Drug Dependent.

Facebook Comments