Pondo ng DSWD FO2, Nakahanda Sakaling Kailanganin

Cauayan City, Isabela- Naka-standby ang Department of Social Welfare and Development Field Office II sa posibleng maging epekto ng pag-ulan sa Rehiyon dos.

Sa kasalukuyan, mayroon pang P2,246,315.68 na Standby funds, P26,134,910.72 na kabuuang halaga ng food and non-food items at P8,974,599.92 na halaga ng raw materials ang Field Office II na nakahandang gamitin sakaling kakailanganin ngayong panahon ng tag-ulan.

Batay sa pinakabagong datos mula sa Disaster Response Monitoring Operation Center, wala pang naitatalang pamilya o indibidwal na lumikas sa kanilang mga kabahayan.


Nananatili namang on stand-by ang mga evacuation centers sa bawat barangay sa mga posibleng paglikas ng mga residente.

Nakikipag-ugnayan na rin ang Social Welfare and Development (SWAD) Provincial Teams sa mga Lokal na Pamahalaan sa posibleng suporta na kailangan ng mga ito para sa mga pamilyang maaapektuhan ng nasabing pag-ulan.

Facebook Comments