Pondo ng HFEP sa district hospitals, dapat i-download sa LGUs

Isinulong ni Senator Panfilo Lacson ang pag-decentralize sa pondo ng Health Facilities Enhancement Program (HFEP) mula sa Department of Health-Central Office.

Layunin ng mungkahi ni Lacson na masigurong makukuha ng mga district hospital ang kinakailangan nilang pondo.

Tugon ito ni Lacson sa daing ng mga opisyal sa mga lokal na pamahalaan na bagama’t nasa lugar nila ang mga district hospital ay nakalagay pa rin sa DOH Central Office ang mga pondo para rito.


Panukala rin ni Lacson na siguruhing ang mga lokal na unit na ang magpapatupad at bibili ng mga kailangan nilang pasilidad at kagamitan para sa kani-kanilang district at provincial hospitals.

Dagdag pa ni Lacson, matagal nang ipinaglalaban ang pag-download ng pondo para sa mga proyekto ng Local Government Units na makakatugon din sa kasalukuyang problema ng DOH kung saan palaki nang palaki ang parte ng kanilang badyet na hindi nagagamit.

Facebook Comments