Pinasisilip sa Commission on Audit (COA) ng League of Parents of the Philippines (LPP) at Liga Independencia Pilipinas ang pondo ng anila’y mga Terrorist Fronts Partylist ng Communist Part of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front o CPP-NPA-NDF na inilaan ng Kongreso.
Ngayong umaga, nagtungo sa COA ang dalawang organisasyon para ipanawagan ang kanilang kahilingan kasabay ng isinasagawang kilos protesta.
Ayon kay LPP President Remedios Rosadio, partikular na kanilang pinabubusisi ang pondo ng Bayan Muna, ACT Teacher, Gabriela at Kabataan Partylist .
Maging ang estado ng mga empleyado ay dapat ding imbestigahan kung lehitimo at hindi full time organizers ng CPP-NPA-NDF o ‘di kaya’y ghost employees.
Paliwanag pa ni Rosario, bilang lehitimong taxpayers, karapatan din nilang malaman kung saan ginagasta ang pondo ng mga makakaliwang kongresita.
Pabor naman sila kung napupunta sa proyektong pambayan ang pondo pero sasama ang kanilang kalooban kung nagagamit lang ito sa panggugulo at pagsuporta sa gawaing terorismo ng NPA.