Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na padagdagan ang pondo para sa confidential at intelligence funds ng Malacañan para sa susunod na taon.
Base sa panukalang 4.1 trillion pesos national budget para sa taong 2020 na isinumite ng gobyerno sa Kongreso, hiniling ng Office of the President (OP) ang 2.25 billion sa bawat confidential at intel funds, mataas ng isang bilyong piso kumpara noong 2018 at 2019.
Sa kabuoan, ang OP ay humihiling ng 8.25 billion pesos budget para sa susunod na taon kumpara sa 6.82 billion pesos para sa taong ito.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – kapag malaki ang pondo sa confidential at intel, ang gobyerno ay may sapat na kakayahan para matukot ang anumang mga banta laban sa estado.
Kumpiyansa si Panelo na hindi mapupunta ang pondo sa korapsyon.
Ang OP at defence department ang top two biggest spenders ng confidential at intel funds.