Manila, Philippines – Tatapyasan ng Senado ang 900 million pesos na budget ng Philippine National Police para sa oplan double barrel at oplan tokhang kaugnay sa war on drugs.
Tugon ito ni Finance Committee Chairperson Senator Loren Legarda sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na ang lead agency sa kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga.
Ang nasabing hakbang ay sinabi na ni legarda kay PNP Chief General Ronald Bato Dela Rosa.
Sabi ni Legarda, tanggap naman ni Genaral Dela Rosa anuman ang maging pasya ng senado sa pondo ng pnp para war on drugs.
Sa tingin naman ni Finance Committee Vice Chairman Senator Panfilo Ping Lacson, hindi na dapat ibigay ang nasabing pondo sa pnp dahil ang PDEA na ang bida sa anti-drug war.