Iginiit ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na itaas sa 100 hanggang ₱150 billion ang pondo sa ilalim ng 2021 national budget na pambili ng bakuna laban sa COVID-19 para sa 60 porsyento ng populasyon sa bansa.
Paliwang ni Recto, nasa mahigit 100 milyon na ang mga Pilipino at tiyak ding gagastusan ng malaki ang distribution at storage ng bakuna na dapat ay nasa negative 75 degrees celcius ang temperatura.
Diin pa ni Recto, kailangang mamuhunan ang pamahalaan sa COVID-19 vaccine para sa kaligtasan at buhay ng mamamayan at kita ng ekonomiya.
Sa 2021 budget ay ₱2.5 billion lang ang nakalaan pambili ng COVID-19 vaccine na inirekomenda ng Senate Committee on Finance na itaas sa mahigit ₱18 billion.
Subalit mahigit ₱8 billion lang ang ilalagak sa Department of Health (DOH) habang ang ₱10 billion ay umprogrammed budget na mapopondohan kapag nagkaroon ng dagdag na kita ang gobyerno.