Pondo para sa Build, Build, Build Program ng Duterte administration – uutangin at hindi lahat magmumula sa Tax Reform Package

Manila, Philippines – 1/3 lamang at hindi lahat ay kukunin sa panukalang tax reform law ang mahigit 8.4 trillion pesos na pondo para sa Build, Build, Build Program ng administrasyong Duterte.

Ito ang paglilinaw ni Senador Sonny Angara na siyang chairman ng Senate Committee on Ways and Means.

Ayon kay Angara, nasa 15 hanggang 20 percent lamang ang manggagaling mula sa tax reform habang ang nasa 80 percent ay manggagaling sa uutangin sa ibang bansa tulad ng China.


Ang paglilinaw ni Angara ay taliwas sa pahayag ng ilang opisyal ng pamahalaan na hindi matutuloy ang mga infrastructure projects ng gobyerno kung hindi masusunod ang bersyon ng Kamara kung saan mas malaki ang makokolektang buwis mula sa mga Pilipino.

Pero giit ni Angara, ang bersyon ng Senado ay ibinase lang din sa mga pigura na ibinigay ng Department of Finance.

Diin ni Angara sa bersyon ng Senado ay makikinabang sa tax relief ang 99 percent ng mga individual taxpayers ng hindi maaapektuhan ang mga programa at proyekto ng gobyerno.

Ipinaliwanag pa ni Angara na maaring pang-iadjust kung kinakailangan ang bersyon ng Senado na sumasailalim na ngayon sa deliberasyon sa plenaryo.

Facebook Comments