Pondo para sa Bus Rapid Transit ng DOTr, ipinalilipat sa MMDA

Manila, Philippines – Ipinalilipat ni House Committee on Metro Manila Development Chairman Winston Castelo ang pondo para sa Bus Rapid Transit (BRT) na proyekto ng Department of Transportation (DOTr).

Ang BRT ay tugon sana sa malalang traffic sa Metro Manila na ngayon ay ipinahihinto na ng DOTR.

Ayon kay Committee Chairman Winston Castelo, ilipat na lamang sa MMDA ang proyekto at ang budget para sa BRT dahil ito ay napondohan na ng Kongreso.


Sinabi naman ni Marikina Representative Bayani Fernando na may kahalintulad na rin na sistema tulad sa BRT noong panahon niya sa MMDA na hindi naman itinuloy ng transportation department.

Aabot sa 10 bilyong piso ang pondo para sa Bus Rapid Transit na kahalintulad sa train na may special lane at sariling babaan at sakayan ng mga pasahero.

Giit ni Castelo, inaprubahan ng Kongreso ang pondo batay na rin sa ginawang presentasyon ng DOTr na ito raw ay magiging tugon sa malalang trapiko sa bansa.

Facebook Comments