Pondo para sa confidential at intelligence fund ng ilang civilian agency, inaasahan ng minorya sa Senado na maililipat pa sa ibang programa o proyekto

Umaasa si Senate Minority Leader Koko Pimentel na may pag-asa pang mailipat sa ibang programa o proyekto ang pondo ng confidential at intelligence fund (CIF) ng ilang civilian agency sa pagsalang ng 2023 General Appropriations Bill (GAB) sa bicameral conference committee hearing bukas.

Sa pulong balitaan (via zoom), sinabi ni Pimentel na may tyansa pang mapag-usapan ang realignment ng CIF sa bicam meeting kung makukumbinsi ang House of Representatives panel.

Aniya, sa bersyon ng Kamara ay hindi ito naglalaman ng mga tinapyasang CIF hindi katulad sa Senate version.


Dahil dito, numero unong isyu na agad ito ng contentious provision ng panukalang budget na maaaring pagdebatehan sa bicam.

Hindi naman ito maaaring pangunahan ng Senado partikular na ang oposisyon ng Mataas na Kapulungan dahil ang trabaho na ng mga senador ay depensahan ang inaprubahan nilang bersyon.

Posible aniyang i-raise ng Senate Minority ang isyu pero hindi pa ito napag-uusapan at napagkasunduan ng panel.

Sa inaprubahang P5.268 trillion na 2023 national budget, napanatili rito ang P500 million na confidential fund ng Office of the Vice President (OVP) at P30 million confidential fund ng Department of Education (DepEd) na kapwa pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte.

Facebook Comments