PBBM, nagpaabot ng dasal sa mga biktima ng lindol sa Indonesia

57

Nakiramay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kay Indonesian President Joko Widodo at sa mamamayan ng Indonesia matapos ang tumamang malakas na lindol sa West Java province.

Sa post ng pangulo sa kaniyang social media account, nagparating ito ng panalangin para sa mga Pilipino na nawalan ng mahal sa buhay dahil sa sakuna.

Base sa mga ulat, hindi bababa sa 250 katao ang nasawi sa 5.6 magnitude na lindol at higit 100 pa ang nawawala.


Unang nagkaharap sina Pangulong Marcos at Widodo sa pagbisita nito sa Indonesia noong September 5.

Ito rin ang unang state visit ni Pangulong Marcos mula nang maupong presidente.

Inilarawan ng pangulo ang mga taga-Indonesia na hindi lang kapitbahay o kaibigan sa halip ay kaanak ng Pilipinas.



Facebook Comments