Pondo para sa dagdag sahod ng mga guro, pinahuhugot sa na-veto na budget sa 2019

 

Inirekomenda ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio na kunin sa na-veto na pondo ang salary increase sa mga public school teachers.

 

Giit ni Tinio, hindi na kailangan pang maghanap ng mga economic managers ng pagkukunan ng pondo dahil maaaring kunin ang dagdag na sahod sa P95 Billion na na-veto na pondo sa 2019 budget.

 

Panahon na anya upang itaas ang sahod ng mga teachers dahil matagal na itong pangako ng Pangulo kasunod ng salary increase ng mga pulis.


 

Pinagagawang batayan na maging sahod ng mga guro kada buwan ang entry level ng mga pulis at militar na P30,000 kada buwan.

 

Sa ngayon ay nasa P20,000 ang entry level ng mga teachers sa mga public schools.

Facebook Comments