Pondo para sa faculty rooms, nakapaloob sa pambansang budget

Para kay Senator Win Gatchalian, hindi kailangan na gamitin bilang faculty rooms o silid para sa mga guro ang mga comfort rooms sa ilang paraalan.

Diin ni Gatchalian, sa 2019 General Appropriations Act ay may nakapaloob na pondo para sa “basic education facilities,” kasama ang faculty areas.

Ayon kay Gatchalian, sa kasalukuyang pambansang budget ay nasa mahigit 2.1-billion pesos ang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) habang kulang kulang 30.2-billion pesos naman ang Capital Outlay.


Bunsod nito ay tiniyak ni Gatchalian na sa pagpasok ng 18th Congress ay tatambakan nila ng pondo ang mga programa at hakbang na magpapabuti sa kondisyon ng mga guro.

Giit ni Gatchalian, dapat parating mga estudyante at guro ang makinabang sa pagpapaayos ng mga pasilidad ng ating mga paaralan.

Katwiran ni Gatchalian, mahalagang mapahusay ang pasilidad para sa mga guro at estudyante para sa pagkamit ng dekalidad na edukasyon.

Facebook Comments