
Pinatatapyasan ni Senate President Chiz Escudero ang pondo para sa flood control projects sa ilalim ng panukalang P881.3 billion budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa 2026.
P250.8 billion ang iminungkahing ibawas sa pondo ng DPWH at ipinalilipat ito sa sektor ng kalusugan, edukasyon at food production.
Tinukoy ni Escudero na one-third ng pondo ng DPWH ay nakalaan para sa flood control projects na 20 beses na mas malaki kumpara sa alokasyon para sa pagpapatayo ng mga bagong school buildings.
Sinabi ni Escudero na mas praktikal at makabubuti na tapyasan ang pondong ilalaan sa flood control at ibuhos sa mga sektor na nangangailangan ng malaking pondo.
May batayan din aniya ang budget cut proposal sa DPWH lalo’t popondohan ng ADB ang flood control master plan sabay hirit na ang pagtapyas sa pondo ng ahensya ay pagbabawas din sa posibilidad ng korapsyon.









