Pondo para sa free college, iminungkahi ni Senator Angara na kunin sa kita mula sa Tax Reform

Manila, Philippines – Iginiit ni Senate Ways and Means Committee Chairman Senator Sonny Angara na gamitin sa free college ang dagdag na kikitain ng gobyerno mula sa Tax Reform Program.

Ayon kay Angara, aabot sa 134 billion pesos ang makokolekta sa unang taon ng implementasyon ng mga isinusulong na bagong buwis ng pamahalaan.

Maaari aniyang kunin dito ang pondo para sa 20 billion pesos na kailangang budget para sa feee college law.


Maliban diyan ay iminungkahi din ni Angara na ilaan sa pagsasaayos ng public transportation system tulad ng MRT at LRT ang 14 billion pesos na magmumula sa panukalang excise tax sa mga sasakyan.

Isinulong din ni Angara na idagdag sa pondo ng Philhealth para sa hemodialysis ng mga mahihirap na Pilipinong may diabetes at hypertension ang 47 billion pesos na makukuha mula sa dagdag buwis na ipapataw sa mga matatami na inumin.

Facebook Comments